‘Battle Royale’ sa Philracom’s Triple Crown 3rd leg

MULING papagitna at magpapamalas ng husay, lakas at tibay ang 10 pinakamatitikas na thoroughbreds, sa pangunguna ng Smart Candy at Wonderland para sa ikatlo at huling leg ng pamosong ‘Triple Crown’ ng Philippine Racing Commission (Philracom) sa Linggo sa Saddle and Clubs Leisure Park sa Naic, Cavite.

Target ng Smart Candy, ang three-year-old filly na alaga ng SC Stockfarm, ang ikalawang panalo sa serye, laban sa mga karibal na kinabibilangan ng TC second leg winner Wonderland, sakay si FM Raquel at nasa pangangalaga ni Herminio ‘Hermie’ Esguerra. Pumangatlo ang Wonderland sa first leg.

Nanguna ang Smart Candy sa dalawa sa tatlong leg ng Philracom’s 3YO Stakes Race ngayong taon at kampeon sa first leg ng Triple Crown nitong Mayo.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Inaasahang ratratan ang duwelo sa pagitan ng Smart Candy at Wonderland na kapwa naglaban sa finish line sa unang dalawang leg ng prestihiyosong karera.

Patibayan ang labanan, higit at ang huling leg ng Triple Crown ay may distansiyang 2,000 meters.

“Smart Candy and Wonderland are expected to go at it in the final leg, but there’s no reason why eight other horses can’t crash that two-horse party. It will surely be a treat to all racing aficionados,” pahayag ni Philracom Chairman Andrew A. Sanchez.

Kabilang sa magtatangkang makisingit sa labanan para sa P1.8 milyon premyo ang Box Office, kasama sa Sc Stockfarm ni Smart Candy at sakay ang pamosong si jockey JB Hernandez, gayundina ng El Debarge,sakay si JA Guce.

Hindi rin pahuhuli, ang Critical Moment, sakay si jockey RO Niu Jr. at pagmamay-ari ni Melanie C. Habla; Disyembreasais (JB Cordova, Alfredo R. Santos); Goldsmith (RG Fernandez, Cpriano T. Sison Jr.); Prosperity (JB Guce, Leonardo M. Javier Jr.); Speedmatic (PR Dilema, Herma Farms & Stud. Inc.) at Victorious Colt (OP Cortez, Jose Antonio G. Zialcita).

Kabuuang P3 milyon ang premyo sa karera kung saan naghihintay ang P675,000 sa runner-up, habang ang ikatlo at ikaapat na puwesto ay may P375,000 at P150,000, ayon sa pagkakasunod. May nakalaan din ng breeder’s purse na P100,000.

Pakaaabangan din sa Linggo ang aksiyon sa P1-million 2018 Philracom Hopeful Stakes Race na may nakalaang P600,000 sa kampeon at ang P500,000-3YO Locally Bred Stakes Race, na may P300,000 sa mananalo.

Walong kabayo ang nakalinyang bitiwan sa Hopeful Stakes na kinabibilangan ng Aphrodisiac (jockey CS Pare Jr., owner Herminio S. Esguerra); Be The One (OP Cortez, Running Rich Racing, Inc.); Eli Brassous (Ro Niu Jr., Running Rich Racing, Inc.); Jack Hammer (JB Hernandez, Leandro M. Naval); Royal Signal, (MB Pilapil, Peter L. Aguila); Talitha Koum (RG Fernandez, George R. Raquidan); Tapster (Ja Guce, James Albert C. Dichaves) at The Best Ever (PR Dilema, Herminio S. Esguerra).

Samantala nakalinya ang Courageous (JB Hernandez, Narciso O. Morales); Misha (JB Guce, Leonardo M. Javier Jr.); Perlas ng Silangan (FM Raquel, Herminio S. Esguerra); Smell My Tail (MB Pilapil, Mark Vincent A. Geron); The Barrister (JT Zarate, Daniel C. Tan) at Tipsy Tapsi (JV Ponce, John Ericson Avelino) sa 3YO Locally Bred Stakes Race.

Ang three-leg series ay inihalintulad sa United States’ Triple Crown na binubuo ng malakihang Kentucky Derby, Preakness Stakes, at Belmont Stakes.