April 13, 2026

Home BALITA National

Acop pa rin! Bong Acop panalo sa special election para sa Antipolo 2nd District, papalit sa yumaong ama

Acop pa rin! Bong Acop panalo sa special election para sa Antipolo 2nd District, papalit sa yumaong ama
Photo courtesy: Bong Acop (FB)/via MB File Photo

Proklamado na ng Commission on Elections (COMELEC)–Antipolo at ng District Board of Canvassers si Philip "Dok Bong" Acop bilang nanalo sa ginanap na special election para sa ikalawang distrito ng Antipolo City, madaling-araw ng Linggo, Marso 15.

Batay sa mga ulat, sa ganap na 3:19 ng umaga nang ideklara ang kandidato ng National Unity Party (NUP) na siyang nagwagi matapos ang manual canvassing ng mga boto mula sa halalang isinagawa noong Sabado, Marso 14.

Nakakuha si Acop ng kabuuang 60,051 boto, na malayong nanguna laban sa kaniyang pinakamalapit na katunggaling si Reden Llaga na may 12,054 boto.

Ang iba pang mga kandidato sa pagka-representative ng Antipolo 2nd District ay sina Paulo Tapales (10,080 votes), Nathaniel Lobigas (754 votes), Dandin Infante (412 votes), at Maria Trinidad Cafirma (199 votes).

Papalitan ni Acop ang kaniyang amang si Romeo Acop, na pumanaw noong Disyembre 20, 2025.Maki-

National

Simula Abril 14: PBBM, ibinida ang malaking rollback sa presyo ng langis!

Maki-Balita: Romeo Acop, pumanaw na; natagpuang walang malay sa kuwarto

Sa kaniyang mensahe matapos ang proklamasyon, nagpasalamat si Acop sa mga sumuporta at tumulong sa kaniyang kampanya sa buong distrito.

"Mula sa inyong mga sambit lang sa house to house campaign na 'landslide na 'yan' ngayon ay natamo natin ito. Salamat sa lahat ng lumabas at lumahok at pinili ang nararapat na manalo. Ngayon ay opisyal na nating matutuloy at papagandahin ang Alagang Acop! Salamat Panginoon, salamat sa pagpapala," mababasa sa kaniyang Facebook page.

Nangako siyang mabibigyan na ulit ng boses ang mga mamamayan sa kanilang distrito.

“Ngayong gabi, meron na ulit boses ang distrito sa Kongreso at asahan po ninyo, baon ko ang inyong hirap at pangarap sa Kongreso at hindi ko kayo papahiyain,” pahayag niya sa panayam naman sa kaniyang matapos ang proklamasyon.

Inaasahan namang pangungunahan ni Antipolo City Mayor Jun Ynares ang panunumpa sa tungkulin ni Acop sa Lunes, Marso 16.