Limampu’t dalawang katao ang dinakma dahil sa paglabag sa ordinansa sa Maynila, sa nakalipas na 24 oras.

Sa report na natanggap ni Manila Police District (MPD) director, Chief Supt. Rolando Anduyan, ang mga ito ay dinampot mula 12:00 ng hatinggabi ng Hunyo 26 hanggang 12:00 ng hatinggabi ng Hunyo 27.

Ang 14 sa mga naaresto ay nadakip ng mga tauhan ng Moriones Tondo Police Station (PS-2); walo sa Sta. Cruz Police Station (PS-3); isa sa Sampaloc Police Station (PS-4); tig-tatlo sa mga Police Stations ng Ermita (PS-5), Jose Abad Santos (PS-7), Sta. Mesa (PS-8), at Malate (PS-9); apat naman ang nadakip ng Sta. Ana Police Station (PS-6); at 11 sa Pandacan Police Station PS-10).

Ang mga nadakip, aniya, ay nahuling nag-iinuman at naninigarilyo sa kalye, at nakahubad baro, na pawang paglabag sa ordinansa ng Manila City government.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

-Mary Ann Santiago