MADRID (AFP) – Bumoto ang lower house ng Spain nitong Martes pabor sa pagsusuri sa panukalang gawing legal ang euthanasia, ang pangalawang panukala na tinanggap para pag-aralan sa loob lamang ng mahigit isang buwan.

Pumabor ang 208 mambabatas laban sa 133 – may isang abstention – para suriin ang panukalang batas, na binalangkas ng namumunong Socialist party.

Noong Mayo, isang kaparehong panukala naisinumite ng Catalonia regional parliament ang tinanggap din, ngunit nakatuon lamang ito sa pagsasabatas sa euthanasia.

Ang huling panukala ay nilalayon ding gawing legal ang euthanasia sa public at private health services
Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'