Pinagsasaksak hanggang sa mamatay ang isang lalaki ng babaeng tinangka umano nitong gahasain sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

Dead on arrival sa Tondo Medical Center si Telmo Lope, 54, ng Flove Homes 7, Barangay Tonsuya ng nasabing lungsod.

Naaresto naman sa follow-up operation ang suspek, 30, kapitbahay ni Lope, at sinasabing may problema sa pag-iisip.

Base sa ulat, lasing si Lope at sa halip na sa kanyang bahay pumasok ay dumiretso ito sa bahay ng suspek, dakong 8:00 ng gabi.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nakahiga umano ang suspek nang lapitan ni Lope at saka niyakap at hinalikan.

Pumiglas ang suspek at kumuha ng kutsilyo sa kusina saka pinagsasaksak si Lope.

Nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso ang suspek.

-Orly L. Barcala