UNLESS mabago ang plano, hindi talaga kasama si Jasmine Curtis-Smith sa cast ng Victor Magtanggol ni Alden Richards.

Jasmine copy

Ito ang sinabi ng nakausap naming bossing ng GMA Network, dahil pagkatapos pumirma ng kontrata ni Jasmine sa Kapuso Network ay sinabi niyang mas gusto niyang gumawa ng drama.

May narinig na kaming teleserye na gagawin ni Jasmine at kung sino ang mga makakasama niya, at hindi nga ito ang Victor Magtanggol. Hindi rin si Alden ang kasama niya sa kanyang teleserye.

Elijah Canlas, emosyonal na inalala yumaong kapatid sa concert ni Olivia Rodrigo

Sa interview kay Jasmine ng Balitanghali, may clue na siya sa gagawing project, at kung sino ang mga makakasama dahil inilatag na sa kanya ng network ang project.

“Mas kumportable ako sa drama, kasi mas malalim akong mag-isip. So ‘yung mga emotion ng iba’t ibang to, kaya kong medyo tantiyahin at basahin,” ani Jasmine.

Nagkuwento rin si Jasmine tungkol sa mga makakasama niya: “’Yung isa roon, na-meet ko na at indirectly naka-work ko na siya. And then ‘yung isa naman, may connection na kami somehow ngayon. These are people that we can be comfortable na, ‘yung walang ilangan sa first day.”

-Nitz Miralles