KIDAPAWAN CITY – Napatay ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Team (CIDT) sa North Cotabato at ng Kidapawan City PNP ang kilalang miyembro ng sindikato sa droga na nag-o-operate sa Davao del Norte at sa iba pang parte ng Mindanao, bandang 6:00 ng gabi nitong Lunes, base sa ulat.

Kinilala ni Senior Police Officer 1 Mardonni Alegarbes, ng investigation unit ng Kidapawan City PNP, ang napatay na suspek na si Dodong Catiz, na isa sa mga miyembro ng Joel Baguio Criminal Gang sa Davao del Norte.

Sangkot ang Baguio syndicate, base sa mga ulat, sa gun-for-hire, gun running, at drug trafficking.

Ayon kay Alegarbes, namataan ng mga operatiba ng CIDG Cotabato si Catiz sa Barangay Kalaisan, Kidapawan City, at agad nagsagawa ng operasyon laban sa kanya.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Napatay ang suspek, ayon pa kay Alegarbes, sa engkuwentro.

Nakuha mula sa suspek ang isang caliber 38 revolver; Caliber .22 magnum; at Caliber .22 revolver.

-Malu Cadelina Manar