Bahagyang naibsan ang pasanin ng mga motorista makaraang magpatupad ng oil price rollback sa bansa ngayong Martes.

Sa pahayag ng Seaoil, epektibo dakong 12:01 ng madaling araw ng Hunyo 26 nang nagtapyas ito ng P1.15 sa kada litro ng gasolina, 90 sentimos sa diesel at 80 sentimos naman sa kerosene.

Agad namang sumunod sa kaparehong oil price rollback ang mga kumpanyang Pilipinas Shell at Flying V, ngayong 6:00 ng umaga.

Hindi rin nagpahuli ang Total at PTT Philippines na nagtapyas ng P1.15 sa gasolina at 90 sentimos sa diesel.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ang bagong bawas-presyo sa petrolyo ay bunsod ng pagbaba ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Hunyo 12 huling nagbawas ang oil companies ng 60 sentimos sa diesel at kerosene, at 55 sentimos naman sa gasolina.

-Bella Gamotea