ISA lamang ang bestida ni Marilyn Monroe sa ilang items na isinubasta ng Lincoln Foundation sa Las Vegas.

Ipinahayag ni Darren Julien ng Julien’s Auctions sa The Chicago Tribune na naibenta ang dress ng halos kasing halaga ng estimated price nito.
Pitong litrato naman ni Marilyn ang naibenta sa halagang $1,000 at $3,000 bawat isa.
Ang perang nalikom ay ibabayad sa $10 million utang noong 2007, na ginamit sa pagbili ng koleksiyon na kinabibilangan ng Monroe items kasama ng iba pang pag-aari ni Abraham Lincoln, kabilang ang stovepipe hat, bloodstained gloves, at isang libro na nalimbag noong 1824.
-Associated Press