NAUNGUSAN ng Adamson Baby Falcons ang San Beda University- Taytay, 78-76, para makopo ang junior division crown ng 24th Fr. Martin Cup summer tournament nitong Sabado sa St. Placid gymnasium sa San Beda University-Manila campus sa Mendiola.

TINANGKA ni Russell Dominguez ng Adamson na makaiskor sa depensa ni San Beda forward Justine Sanchez sa kainitan ng kanilang laro sa Fr. Martin Cup.

TINANGKA ni Russell Dominguez ng Adamson na makaiskor sa depensa ni San Beda forward Justine Sanchez sa kainitan ng kanilang laro sa Fr. Martin Cup.

Pinangunahan ni late substitute Jake Engbino ang Baby Falcons sa torneo na itinataguyod ng Cocolife.

Kumana rin si Joem Sabandal sa Baby Falcons para makabawi mula sa kabiguan natamo sa Nazareth School-National University Bullpups noong 2016 Finals.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“Masarap ang feeling (on the title win). At least nakaisa kami on a major tournament na pre-season. Maboo-boost ang morale ng mga bata going into the UAAP season. Sana madala namin hanggang duon,” pahayag ni Baby Falcons Mike Fermin.

Umusad sa championship match ang Baby Falcons nang gapiin ang University of Perpetual Help Junior Altas, 58-52, sa pangunguna ni Adam Doria na kumana ng 18 puntos sa semifinals nitong Huwebes.

Kumubra naman si Jade Talampas ng 14 puntos sa panalo ng Red Cubs kontra defending champion San Sebastian Staglets, 82-71, sa hiwalay na semifinal match.

“They were expecting our pressure defense throughout the game. But we caught them off guard when we switched to it in the final minutes,” sambit ni Fermin.