Tatlong estudyanteng Pilipino ang nag-uwi ng mga medalya sa 22nd Junior Balkan Mathematical Olympiad (JBMO) na ginanap nitong Hunyo 19 hanggang 24, sa Rhodes, Greece.

Ayon sa Mathematics Trainers Guild-Philippines (MTG), sina Daryll Carlsten Ko ng St. Stephen’s High School at Sean Eugene Chua ng Xavier School ay ginawaran ng silver medals, habang si Deanne Gabrielle Algenio ng Makati Science High School ay sinabitan ng bronze medal sa kompetisyon.

Ang tatlo, sinamahan ng kanilang team leader na si Kerish Villegas, ay ang mga natatanging contestants ng bansa sa JBMO, na sinalihan ng mga estudyante mula sa Albania, Azerbaijan, Bosnia & Herzegovina, Bulgaria, Croatia, Cyprus, Former Yugoslav Republic of Macedonia, France, Greece, Republic of Moldova, Kazakhstan, Montenegro, Philippines, Romania, Serbia, Turkey at Turkmenistan.

“We congratulate our three contestants for winning medals in the math competition. This is another honor for our country,” sinabi ni Dr. Isidro Aguilar, president ng MTG, na nagsasanay at nagpapadala ng mga estudyanteng Pinoy para lumaban sa international math contests.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sinabi ng tatlong mathletes na mahihirap ang mga tanong sa JBMO ngayong taon.

“The competition tested our level of endurance, mental agility and perseverance to be able to approach the problems in the correct manner,” ani Chua.

Inaasahan kahapon ang pagdating sa bansa ng Philippine delegation.

-Jonathan Hicap