BREAK na raw sina Paolo Ballesteros at Sebastian Castro after only three months of being in a relationship.

Paolo

Parang kailan lang nang i-post ni Sebastian ang bouquet of roses na padala sa kanya ni Paolo, at binati pa ng commercial model si Paolo sa kanilang second monthsary, tapos ngayon, break na pala.

Ang sabi, si Paolo ang nakipag-break kay Sebastian, at sa Eat Bulaga host nanggaling ang message na ipinost ni Sebastian: “Hey goodmorning. Ive been thinking for the past few days about us. Im sorry I have to break your heart again. Im really sorry. I don’t want you to finish ur song for me and i can’t be that person. Its too much for me I guess. I don’t know what else to say, but im really sorry.”

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Mababasa ang “SIGH” na sagot ni Sebastian sa ibaba ng nasabing message ni Paolo.

May kasunod pang message ito, na galing pa rin kay Paolo: “I have no intention of confirming or denying rumors about who I was dating. For my own peace of mind, I’ll just acknowledge it’s over. Call it practicality, but it’s simply easier to say so once publicly than over and over again when asked.

“I had a brief 3-month relationship. It didn’t work out. Thanks for the memories all the same,” saad pa sa post.

Ang tanong ng mga nakabasa, bakit ipinost ni Sebastian ang dapat ay pribadong break-up nila ni Paolo? Tama ba ang naisip ng netizens na gustong ipaalam ni Sebastian na si Paolo ang nakipag-break sa kanya?

Naintriga pa ang netizens sa nabanggit ni Paolo na may idine-date na siyang iba. Gusto tuloy nilang malaman kung sino ang bagong special man sa buhay ni Paolo.

-NITZ MIRALLES