PAGKATAPOS ng dalawang linggong pananahimik ni Heart Evangelista ay nagpahayag na siya ng nilalaman ng puso niya kaugnay ng pagkawala ng kambal na panganay sana nila ni Senator Chiz Escudero.

Heart copy

Sa kanyang Instagram post nitong Sabado, inamin ni Heart na ito na ang pinakamatinding pagsubok na naranasan niya sa buhay, pero hindi raw niya kinuwestiyon ang Diyos dahil malaki ang trust and faith niya sa Kanya, na may plano Siyang “the best” para sa bawat isa sa atin.

Hindi raw naman sa kanya lamang nangyari ang ganito, batay na rin sa mga first-time moms na nagpaabot ng kaparehong kuwento sa kanya sa social media.

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

“And I think for me, the lesson that I learned, I was humbled,” sabi ni Heart. “That I’m such a planner with my life, but at the end of the day, it’s still what God wants for you and I get that and I accept that. And I’m grateful because I know that He wants the best for all of us.”

Sa nasabing post ay nagpaalam din si Heart para pansamantalang iwan ang showbiz at ang social media. Plano niyang lumabas ng bansa habang nagmu-move forward sa nangyari.

“My husband has decided for me that I should leave the country and take a breather, take a break. And so, in a few days, I’ll be going away for a while. I’ve been staying home since the day I found out. I’ll start moving forward and just wait for that rainbow to show up,” sabi ni Heart.

We wish the best for you, Heart!

-NORA V. CALDERON