Pumapayag si San Juan City Mayor Guia Gomez na isailalim sa mandatory drug testing ang mga batang nasa ikaapat na baitang-pataas.

Reaksiyon ito ng alkalde matapos dumalo sa isang pulong balitaan sa Barangay San Juan Elementary School, bilang bahagi ng Wattah! Wattah Festival! para sa kapistahan ni San Juan Bautista, kahapon.

Bilang isang ina at lola, pabor umano si Gomez na isailalim sa drug testing ang mga mag-aaral upang malaman kung posibleng nalululong na ang mga ito sa ilegal na droga.

Gayunman, sinabi ni Gomez na kinakailangan munang may pahintulot mula sa magulang ng mga bata.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Giit ng alkalde, dapat gabayan ang mga bata upang hindi maligaw ng landas at magkaroon ng magandang kinabukasan.

-Mary Ann Santiago