NAKAKATUWANG basahin ang pangangantyaw ni Sharon Cuneta kay Aga Muhlach tungkol sa mga ginagawang pelikula ng aktor.

Ito ay matapos na mag-post si Aga ng picture nila ni Edward Barber, habang breaktime ng shooting ng movie nila ni Bea Alonzo sa Vancouver, Canada.

“Napakadaya mo! Nakakatatlo ka na ako isa pa lang! Huhuhu! You lost weight Teng!!! Woohooo!!! Way to go!!!”

Sumagot naman si Aga: “@reallysharoncuneta hahaha! Thanks Ems!! I’ll see you soon!”

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Ang “Teng” at “Ems” ay mga pangalan nina Aga at Sharon sa pinagtambalan nilang pelikula na Kung Ako Na Lang Sana. Naging mabuting magkaibigan ang dalawa makaraan ang nasabing tambalan, at marami ang nagre-request ng follow-up movie ng kapwa A-listers.

Abril ngayong taon nang gawin naman ni Aga ang reunion movie niya with Alice Dixson sa Greenland. Nagtambal ang dalawa sa Joey Boy Munti: 15 Anyos Ka sa Muntinlupa noong 1991, at sa Hot Summer noong 1989.

Samantala, wala pang binabanggit si Direk Paul Soriano, direktor ng movie nina Aga at Bea, kung ano ang title ng ginagawa nilang pelikula, at kung kailan ang play date. Parang hindi ang nabasa naming title ang magiging titulo ng pelikula, kaya hindi muna namin isinulat.

-Nitz Miralles