Nasa balag na alangain na naman ngayon ang Philippine National Police (PNP) dahil sa kontrobersiyal na pagpapatupad sa pinaigting na operasyon laban sa mga tambay sa Metro Manila.

Ito ay makaraang masawi ang 25-anyos na si Genesis Argoncillo, matapos na damputin ng mga pulis dahil sa paglabag sa ordinansa ng lungsod sa Novaliches, Quezon City, nitong Hunyo 15.

Paniwala ng pamilya ni Argoncillo, binugbog ito sa loob ng Quezon City Police Station 4 (Novaliches) na nagresulta ng kanyang pagkasawi makalipas ang apat na araw.

Sa record ng barangay, inaresto si Argoncillo dahil sa pagtatam- bay sa lansangan at hubad-baro pa ito.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Gayunman, natuklasan sa police record na inasunto ito ng alarm and scandal nang umano’y magpupumiglas habang inaaresto.

Nauna nang inihayag nina Quezon City Police District (QCPD) Director Joselito Esquivel Jr., at PNP chief Director General Oscar Albayalde na nasawi si Argoncillo nang “kapusin ng hininga”

dahil na rin umano sa siksikan sa selda kung saan ito ikinulong.

Gayunman, natukoy sa death certificate nito na inilabas ni

PNP Crime Laboratory medico legal chief, Supt. Joseph Palmero na nagkaroon ng mga pasa sa katawan at bakat ng sakal si Argoncillo kaya kaagad na iniutos ni National Capital Region Police Office (NCRPO) director Chief Supt. Guillermo Eleazar na magsagawa ng masusing imbestigasyon sa insidente.

“Pending result of investigation of the death of Argoncillo, QCPD Station 4 commander, Superintendent Carlito Grijaldo and duty jailer PO3 Dennis Sano have been relieved of their posts effective today,” saad sa direktiba ni Eleazar.

Kaugnay nito, nanawagan naman si Senador Bam Aquino sa pamahalaan na unahin muna ang problema sa mataas na presyo ng mga bilihin at serbisyo na dulot ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law bago pagtuunan ng pansin ang mga “tambay”.

“Mas matinding problema ang mataas na presyo ng bilihin, hindi mga tambay. Nalulunod na sa taas presyo ang taumbayan. Sana ito ang pagtuunan ng pansin ng ating gobyerno,” ayon pa sa senador.

-Martin Sadongdong at Leonel Abasola