DIRETSAHANG sinabi ni Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada na wala pa sa isipan niya sa ngayon ang mamahinga sa pulitika. Giit ng dating aktor, hindi pa raw naman siya matandang-matanda na para magretiro sa pulitika.

“Malakas pa ako,”sabi ni Mayor Erap.

Now on his last term as Manila Mayor, mas matindi raw ngayon ang mga makakalaban ni Mayor Erap sa 2019 elections. Bukod kasi sa tinalo niyang dating mayor na si ex-Mayor Alfredo Lim, makakalaban din ni Erap sa susunod na taon sina incumbent Congressman Lito Atienza, na dati ring alkalde ng siyudad, at ang dati niyang vice mayor at kapwa dating aktor na si Social Welfare Undersecretary Isko Moreno.

Nang hingan namin si Mayor Erap ng reaksiyon hinggil dito ay natawa lang ang dating Presidente, na para bang sa reaksiyon niya ay kayang-kaya niyang talunin ang mga beteranong lingkod-bayan ng Maynila.

Pelikula

Barbie Forteza, magkakaroon ba ng pelikua; sinong leading man?

Nang usisain namin kung ano naman ang reaksiyon niya na makakalaban niya ang ka-tandem niya last 2013 elections, si Usec Isko nga, ay lalong natawa si Mayor Erap.

Kasabay nito ay itinanggi rin ni Erap ang kumalat na balita na ang anak niyang si dating Senator Jinggoy Estrada ang tatakbong alkalde ng Maynila sa 2019 mid-term elections.

Aniya, sigurado siyang kakandidato uling senador si Jinggoy.

Ayaw na ring patulan ni Erap ang bali-balitang may malalapit na kaanak niya na posible umanong kumandidatong konsehal ng Maynila sa susunod na taon.

Tiniyak ni Mayor Erap na walang kaplano-plano ang anak niyang si Ms. Jackie Ejercito, chairperson ng Miss Manila 2018 pageant, na makisawsaw sa pulitika.

Sobrang mahiyain daw kasi si Miss Jackie, na chairperson din ng non-stock at non-profit na MARE Foundation

-Jimi C. Escala