SA loob ng anim na buwan, tatlong pari ang binaril at napatay. Idagdag pa ang isa ring pari na tinambangan Calamba, Laguna. Nasugatan ang pari, ngunit nakaligtas sa kamatayan. Ang tatlong paring napatay ay sina Fr. Mark Ventura, 37; Fr. Marcelito Paez, 72; at Fr. Richmond Nilo, 44.
Binaril ay napatay si Fr. Ventura sa Gattaran, Cagayan noong Abril 27, 2018. Pinatay naman si Fr. Paez sa Jaen, Nueva Ecija noong Disyembre 5, 2017. Magmimisa naman si Fr. Nilo sa Senora de la Nieve, sa Barangay Mayamot, Zaragosa, Nueva Ecija nang pagbabarilin noong Hunyo 10, 2018.
Iisa ang reaksiyon ng ating mga kababayan. Tanong nila: Ano ba ang nangyayari sa ating bansa? Pati ang mga pari ay tino-TOKHANG na?
Anila, sa nakalipas na mga rehimen at maging noong martial law, na tumagal ng labing-apat na taon, walang paring binaril at napatay.
I l a n s a a t i n g mga kababayan ang nagsabi na sinasamantala ng mga kriminal ang pagkagalit ng ating Pangulo sa Simbahan.
Nabahala ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa sunud-sunod na pagpatay sa mga pari.
D a h i l s a pagpatay sa tatlong pari, may 188 paring katoliko sa Laguna ang humiling sa Philippine National Police (PNP) ng permit na makapagdala ng baril kahit sila’y nasa labas ng kanilang parokya.
Ayon kay PNP chief Director General Oscar Albayalde, ang aplikasyon ng mga pari na makapagdala ng baril ay nagsimula pa noong Hunyo 2017 hanggang nitong Hunyo 2018. Ayon pa kay Albayalde, ang pag-iisyu ng permit na makapagdala ng baril ay ibinibigay sa mga taong nasa panganib ang buhay. Kailangan ang threat assessment certificate mula sa PNP. Ngunit hindi na ito kailangan kung nanganganib ang buhay ng aplikante.
May mga pari sa Laguna na nagpaplanong magdala ng baril para sa pagtatanggol sa kanilang sarili. Ngunit ito’y tinutulan ni Archbishop Romulo Valles, pangulo ng CBCP, at sinabing ang mga pari ay dapat maging tao ng kapayapaan.
T u t o l d i n s i Ce b u Archbishop Oscar Florencio, Apostolic Administrator ng Military Ordinariarte of the Philippines, at sinabing ang pag-aarmas sa mga pari ay maaaring lumikha ng gulo at ng mga bagay na walang kalutasan.
Ayon naman kay Father Jerrome Secillano, executive secretary ng CBCP public affairs committee, kailangang galangin ng mga pari ang desisyon ng kanilang mga Obispo. At para kay Balanga Bishops Ruperto Santos, hindi niya papayagan ang mga armadong pari sa kanyang diocese.
-Clemen Bautista