NAAGAW ang OPBF super featherweight title ng Pilipinong si Carlo Magali sa isa na namang kontrobersiyal na 12-round split decision na pagkatalo kay undefeated Hironori Mishiro nitong Miyerkules ng gabi sa Differ Ariake, Tokyo, Japan.

“Unbeaten prospect Hironori Mishiro, 130, impressively captured the OPBF (Oriental and Pacific Boxing Federation) super-featherweight belt as he kept jabbing the shorter but sturdy defending champ Carlo Magali, 130, Philippines, all night to earn a close but well-received split verdict (115- 113 twice for Mishiro, 113-115 for Magali) over twelve hard-fought rounds on Wednesday in Tokyo, Japan,” ayon sa ulat ng Fightnews.com.

Muntik mapatulog ni Magali si Mishiro sa 5th round ng sagupaan ngunit nakarekober ang Hapones na walang ginawa kundi umiwas sa pamatay na mga bigwas ng Pilipino.

“The lanky 5’9.5” challenger, four inches and a half taller than the champ, made good use of his stinging lefts, withstood Magali’s furious assault in round five and was in command in later rounds,” dagdag sa ulat. “Mishiro overcome the prefight favorite except in the fifth, when Magali, 31, had him in great trouble with his furious attack. Carlo, however, might consume his energy too much in his best round, and apparently slowed down in the second half.”

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Napaganda ni Mishiro ang kanyang rekord sa perpektong anim na panalo, dalawa lamang sa knockouts, samantalang bumagsak ang kartada ni Magali sa 23-10-3 na may 12 pagwawagi sa knockouts.

-Gilbert Espeña