Mga Laro ngayon

(Filoil Flying V Center)

10 n.u. -- PLDT vs Air Force (men’s)

2 n.h. -- PetroGazz vs Iriga- Navy

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

4 n.h. -- BanKo-Perlas vs BaliPure

6 n.g. -- Tacloban vs Pocari-Air Force

MAKASIGURO ng playoff para sa semifinals berth ang target ng BanKo-Perlas at Pocari-Air Force habang patatatagin ng PetroGazz ang kanilang bid para makahabol sa huling dalawang Final Four seats sa pagpapatuloy ngayong hapon ng Premier Volleyball League Season 2 Reinforced Conference sa Filoil Flying V Center sa San Juan .

Sa tatlong koponan, ang wala pang talong Banko Perlas ang inaasahang mapapalaban ng husto dahil parehong ousted na at wala na sa kontensiyon ang kalaban ng Lady Warriors at ng Angels na Tacloban Fighting Warays at Iriga Lady Oragons, ayon sa pagkakasunod.

Makakatunggali ng Perlas Spikers ang may tsansa pang humabol na BaliPure-NU Water Defenders.

Kahit nagtataglay ng malinis na barahang 3-0 , kinakailangan pa rin ng BanKo-Perlas na magwagi kontra Balipure sa laban nila ngayong 4:00 ng hapon dahil ang Petrogazz ang huli nilang makakalaban sa Miyerkules sa pagtatapos ng quarterfinals.

May marka namang 3-1, isasara ng Pocari-Air Force ang kanilang quarterfinals campaign kontra Tacloban sa pagtutuos nila sa huling laro ganap na 6:00 ng gabi.

Taglay naman ang kartadang 2-1 sa kinaluluklukang ikatlong puwesto, haharapin naman ng PetroGazz, ang Iriga-Navy na may markang 1-3 ganap na 2:00 ng hapon.

Sakaling magkaroon ng 3-way tie sa pagitan ng BanKo- Perlas, Pocari at PetroGazz sa rekord na 4-1 sa pagtatapos ng quarterfinals, awtomatikong makakanit ng team na may pinakamataas na tiebreak ang ikatlong semis berth habang pag-aagawan ng dalawang matitira ang huling semifinal slot.

Mauuna rito, paglalabanan ng PLDT at Air Force,ang No. 3 spot sa semis samen’s division sa kanilang pagtatapat ganap na 10:00 ng umaga.

-Marivic Awitan