PINAG-ISIP ni Miguel Tanfelix ang followers niya sa Instagram (IG) post niyang “Ruminate” na ang ibig sabihin ay “contemplate, think deeply, meditate.” Kaya ang payo ng isang fan sa bida ng Kambal Karibal ay, “wag masyadong mag-isip, let things flow, chill lang siya, for him to cheer up, ‘wag magpaka-stress and keep the faith.”

Miguel copy

Ano nga kaya ang mood ni Miguel nang i-post ‘yon at bakit tall buildings malapit sa GMA-7 ang photo na kasama sa kanyang post?

Kaloka lang ang nag-comment na kaya raw problemado si Miguel ay dahil ayaw pa nitong umamin na hindi talaga niya type si Bianca Umali at iba ang type ni Miguel.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Hindi alam ng nag-comment ang kanyang sinasabi at hindi rin naman niya nakikita off-cam at nakakausap si Miguel at si Bianca, dahil kahit sinuman ang makakita sa kanila, makikita kung gaano nila kamahal ang isa’t isa.

Nang dumalaw nga kami sa taping, nakita namin ang pasimpleng pagkuha ni Miguel sa kamay ni Bianca hanggang sa magka-holding hands na sila. Akala nila hindi namin nakita ‘yon, pero hindi na namin biniro.

Sa dalawa, si Miguel ang mas open sa pag-aming mahal niya si Bianca. Hindi nga raw siya papayag na may ibang manligaw sa ka-love team at kapareha sa Kambal Karibal. Kulang na lang ay sabihin niyang sa kanya lang si Bianca.

Hindi pa raw kasi pumapayag ang lola ni Bianca na ligawan ito dahil bata pa, kaya hindi maligawan nang husto ni Miguel ang dalaga.

Disi-otso na si Bianca, pero dahil mabait na bata sila ni Miguel, sinusunod nila ang sinabi ng lola ni Bianca na ‘wag muna itong ligawan.

-Nitz Miralles