PANAWAGAN sa MARVEL fans. Maghanda at lumahok sa gaganaping MARVEL Run Philippines – kauna-unahang Marvel-themed run sa South Asia -- sa Hulyo 7, 2018 sa SM Mall of Asia Event Grounds.

Ang 2018 Philippines MARVEL Run ay inorganisa ng ColorManila -- nangungunang fun-run organizers sa bansa.

“We look forward to having the first Philippines MARVEL Run on July 7, and we would like to invite all MARVEL fans and ColorManila followers out there, to take part in this highly anticipated event. The runners will surely like the kits that we have designed and prepared for them, along with the other MARVEL items that come with the race packages,” pahayag ni ColorManila VP Justine Cordero.

May apat na race kit colors na mapagpipilian ng mga kalahok – ang black, grey, green at blue.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Ang black drifit shirt ay nagtataglay ng logo nina Thor, The Hulk, Captain America, at Spiderman at bahagi ng Deluxe Race Kit package na nagkakahalga ng P1,500.

Habang ang mga runners na kukuha ng Premium Race Kit package at VIP Race Kit package ay maaring pumili sa grey, green at blue kits. Nagkakahalaga ang Premium Kit package ng P2,050,kalakip nito ang drifit shirt (may tatlong kulay na mapagpipilian), race bib, sunglasses, finisher’s medal, color packet, at MARVEL drawstring bag.

Habang ang VIP category ay nagkakahalaga ng P3,050, kalakip ang drifit shirt (may tatlong kulay na mapagpipilian), race bib, sunglasses, finisher’s medal, color packet, MARVEL drawstring bag, towel, at access sa VIP Lounge.

Naghihintay ang kategorya na 3K, 5K at 10K.

Bukas na ang pagpapatala at para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.colormanila.com.