ILANG araw na ang nakalipas nang lumabas ang picture na ito ni Ms. Kathleen Go ng Universal Records. Sa litrato, katabi niya ang isang nakatalikod na girl na may suot na jacket ng Universal Records, at obvious na pinahuhulaan ang mystery girl.

Maine copy

Pero hindi na kailangang maghulaan pa, dahil buking na agad ng AlDub Nation nina Alden Richards at Maine Mendoza na si Maine ang mystery girl. Kahit anong anggulo yata, kahit nakatalikod, ay hindi na maikakaila sa fans ang kanilang idolo.

Isa pa, makikita sa Facebook page ng Universal Records Ph. ang mga write-up ng recording company tungkol kay Maine. Kabilang sa articles ang pag-amin ni Maine na hindi siya marunong kumanta, pero siya ang inatasan ng APT Entertainment, Inc. na sumulat ng theme song ng first movie nila ni Alden, ang Imagine Me and You, na ang music ay courtesy naman ni Bossing Vic Sotto. Si Maine rin ang kumanta ng song.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Marami ngang nanghinayang na hindi ito ginawang single, solo ni Maine at duet nila ni Alden. Nanalo rin ang Imagine You and Me ng Best Movie Theme Song noon.

Balik sa mystery girl ng Universal Records, ang teaser nila ay “Are you ready for the big reveal? Find out 6.22/6PM.”

Kaya ang hihintayin na lang natin mamayang 6:00 ng gabi ay kung paano ibubunyag ng recording company ang kanilang mystery girl. May nauna na kasing naglabas ng edited picture ng pinapahulaang girl habang naka-side view, at kay Maine ang nasabing litrato.

-NORA V. CALDERON