TORONTO (Reuters) – Inaprubahan nitong Martes ng mataas na kapulungan ng Canadian parliament ang revised bill para gawing legal ang recreational marijuana, na kapag naisabatas ang Canada ang magiging unang bansa sa Group of Seven na ginawang legal ang cannabis.

Bumoto ang Senado ng 52-29 pabor sa revised bill mula sa House of Commons, na nagbibigay-daan para lubusang maging legal ang cannabis market sa loob ng 12 linggo.

Ang recreational use ng marijuana ay isa sa mga ikinampanya ni

Prime Minister Justin Trudeau noong 2015 election, sa katwirang mailalayo nito ang marijuana sa kamay ng underage users at mababawasan ang mga kasong may kaugnayan dito.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

“It’s been too easy for our kids to get marijuana - and for criminals to reap the profits. Today, we change that. Our plan to legalize & regulate marijuana just passed the Senate,” tweet ni Trudeau.