KIDAPAWAN CITY – Makalipas ang isang taong p a g t a t a g o , i n a r e s t o ang hinihinalang killer ng municipal agriculturist ng Arakan, North Cotabato kamakalawa.

Kinilala ni Senior Inspector Jun Napat, officer-in-charge (OIC) ng Arakan PNP, ang suspek na si Caesar Mangawan, kilala rin bilang Boy Dawag, na ayon sa mga saksi ay isang gun-for-hire.

Si Mangawan ang inakusahang pumatay kay Arakan municipal agr i cul tur i s t Edga r Ar ana noong Nobyembre 18, 2017. Bukod sa kasong murder, sinabi ni Napat na sangkot ang suspek sa robbery by band na may dalawang homicide cases kaya kinilalang top most wanted person sa Arakan.

Naging matagumpay ang pag-aresto kay Mangawan sa bisang ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Jose Tabosares, ng Regional Trial Court branch 23, noong 2017.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

-Malu Manar