MGA bagong sibol na bowlers ang nagdomina sa katatapos na 38th Open championship ng Pasig Bowling Association (PBA) sa Sta. Lucia East Grand Mall.

IBINIDA nina (mula sa kaliwa)Ivan Malig, Benshir Layoso, Enzo Hernandez (Champion), Ezzie Gan at Praise Gahol ang mga tropeo matapos ang podium finish sa Open Masters class ng 38th PBA Championship

IBINIDA nina (mula sa kaliwa)Ivan Malig, Benshir Layoso, Enzo Hernandez (Champion), Ezzie Gan at Praise Gahol ang mga tropeo matapos ang podium finish sa Open Masters class ng 38th PBA Championship

Nakamit ni Axl Burayag ng TBAM-Prima (1,064) ang Mixed 15-and-under category laban sa 13-anyos na karibal na si Alexa Nuqui ng PBA-Nobleland (1,045). Nakopo ni Abraham Saddoy ang ikatlong puweto na may 1,000 pinfalls.

Sa Open Masters category, ginapi ni Enzo Hernandez ng Philippine Team si Benshir Layoso ng MTBA-Gruppo, 247-195. Napabilang sa podium si Ezzie Gan, miyembro rin ng national team.

Tatay kay Karl Eldrew: 'Tahimik mong ipanalo mga pangarap mo, dito kami ng Mama mo!'

Nakamit naman ni Danielle Evangelista ng TBAM-Prima ang Mixed Classified Masters title laban kay Mark Legurpa ng PTBA, 253-234. Pangatlo si Eljeor Saddoy ng MBA-EC Pro Shop.

Nangibabaw naman si Selwyn Cabaluna ng GMTBC-SLETBA sa Senior Masters sa naiskor na 1,825. Bumuntot sina Peter Go ng SCTBA-Prima (1,777) at Don Delos Santos ng CASBA (1,747).

Ang torneo ay sanctioned ng Philippine Bowling Federation at bahagi ng PBF circuit at NBT Tour.

-Brian Yalung