Siyam na miyembro ng CPP-NPA Terrorists (CNTs) ang sumuko sa Army’s 7th Infantry Division sa Pallayan City, Nueva Ecija nitong Martes.

Ang mga sumuko, na pawang miyembro ng Militiang Bayan, Bayan Muna at Communist Terrorist Groups (CTGs), ay tinanggap ni 7th ID Commander Major General Felimon T. Santos, Jr.

Ang lahat ng s iyam na terorista, na sumuko bandang 9:00 ng umaga nitong Lunes, ay tatanggap ng kabuhayan mula sa 7th ID habang pinoproseso na ang kanilang benepisyo mula sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (ECLIP). Sila ay pinagkalooban ng tig-iisang pares ng tupa mula sa Army division.

Nasa 12 armas ang isinuko ng mga rebelde. Kabilang sa mga isinuko ay ang isang shotgun; dalawang US Springfield M1903 cal .30 bolt action rifles; dalawang cal .38 Smith and Wesson; tatlong improvised 12-gauge shotguns; isang improvised 20-gauge shotgun; at dalawang cal .22 converted Armscor Air Rifle; at isang Springfield 5.56mm improvised.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Ayon sa mga sumuko sila ay naengganyo dahil sa mga benepisyo at pribilehiyo na makukuha sa ECLIP kapag sumuko sila sa gobyerno.

-FRANCIS T. WAKEFIELD