NADOMINA ng Marinerong Pilipino ang Batangas, 106-64, kahapon sa 2018 PBA D-League Foundation Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Hataw sina Trevis Jackson at Robbie Manalang sa matikas na opensa ng Skippers para sa 53-24 bentahe sa halftime.

Kumubra si Manalang ng 20 puntos mula sa 4-of-7 three-pointer, habang tumipa si Jackson ng 19 puntos.

Nakasungkit din si Coach Koy Banal nang suporta kina Jorey Napoles, Abu Tratter at Javi Gomez de Liaño na may tig-10 puntos para sa ikalawang sunod na panalo ng Marinero.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“Thankful ako na they responded to the challenge after playing that horrible second half against Che’Lu,” pahayag ni Banal, patungkol sa pagbawi ng Skippers sa tinamong 88- 71 kabiguan sa Che’Lu Bar and Grill.

“I hope nasend namin yung right message sa team na they have to learn how to play the game the right way. Whoever going up against, whatever the situation is, we want to play the same way,” aniya.

Nanguna sa Batangas si Cedric de Joya na may 19 puntos at limang rebounds.

Iskor:

Marinerong Pilipino (106) — Manalang 20, Jackson 19, Gomez de Liaño 10, Napoles 10, Tratter 10, Ndiaye 7, Ramos 7, Johnson 6, I. Santos 6, Prado 4, Medina 3, B. Santos 2, Toth 2, Matignas 0.

Batangas (64) — De Joya 19, Bautista 8, Derige 8, Manalo 6, Dela Pena 5, Mendoza 5, Saldana 5, Delfinado 4, Mohammed 2, Tabi 2, Arim 0, Diolanto 0, Guian 0, Tilos 0.

Quarterscores: 26-15; 55-30; 74-50; 106-64.