MATAGAL nang inili-link sina Alden Richards at Bea Binene, pero kahit paulit-ulit na nila itong itinanggi ay hindi matapus-tapos ang isyu, lalo na kapag nakikita silang magkasama with their other friends, like Kristoffer Martin, Barbie Forteza at iba pang nakasama nila noon sa Tween Hearts.

Bea copy

Naging malapit na magkakaibigan sila at paminsan-minsan ay nagkakaroon sila ng reunion kapag may mga free time silang lahat.

Minsan nga nakita naming magkasama sina Bea at Kristoffer sa isang coffee shop at biniro namin ang aktres, “Nasaan si Alden?”

Tsika at Intriga

Anthony Jennings, nag-promote ng pelikula; isiniwalat kung sino sinasandalan sa problema

“Oo nga po, lagi nilang sinasabi kami ni Alden, dapat si Tun-tun (Kristoffer) ang sabihin nilang boyfriend ko kasi kami ang mas madalas na magkasama. Paminsan-minsan lamang naming nakakasama si Alden dahil very busy na niya talaga,” sagot ni Bea.

Nang mag-post kamakailan si Bea ng picture sa Instagram na may hawak siyang malaking bouquet of four big red roses, sinabi na naman ng netizens na galing daw iyon kay Alden. May caption si Bea: “And in this crazy life, and through these crazy times, It’s you, it’s you, you make me sing. You’re every word, you’re everything.”

Pero may non-showbiz boyfriend daw si Bea. Ayaw lang niyang sabihin kung sino. Sabi ay kasama niya ang guy nang magbakasyon sila sa Japan last month.

“Mas focus po ako sa work ko, lalo ngayon na nagte-taping na kami ng isang drama series (wala pang title), na makakasama ko for the first time si Ms. Sunshine Cruz, at first time din naming magtatambal ni Benjamin Alves. May pagkaseryoso po ang tema ng serye namin kaya kailangang maging serious din ako sa mga eksenang gagawin ko,” kuwento ni Bea.

Si Jake Vargas ang dating boyfriend ni Bea, pero matagal na silang nag-break. Huling napanood si Bea sa telefantasyang Mulawin vs Ravena, ng GMA 7, katambal si Derrick Monasterio.

-NORA CALDERON