KANO, Nigeria (AFP) – Gumamit ang Boko Haram jihadists ng mga batang suicide bombers sa pag-atake sa isang bayan sa hilagang silangan ng Nigeria na ikinamatay ng 31 katao, nitong Sabado ng gabi target ang mga taong nagdiriwang sa pagtatapos ng Eid al-Fitr.

Kasunod ng suicide bombings sa bayan ng Damboa sa Borno state, tinira ng jihadists ng rocket-propelled grenades ang mga taong nagtipon sa lugar, na nagdagdag sa bilang ng mga nasawi.

‘’There were two suicide attacks and rocket-propelled grenade explosions in Damboa last night which killed 31 people and left several others injured,’’ sinabi ng local militia leader na si Babakura Kolo.

‘’It was later realised the suicide attacks were carried out by six underage girls whose decapitated heads were found at the scene by rescue teams. They were between seven and 10 years, from their looks,’’ sinabi ng isang opisyal.
Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'