Naglabas ng panuntunan ang Supreme Court sa oral arguments kaugnay sa petisyon na kumukwestiyon sa ilang probisyon ng Family Code na nagbabawal sa same-sex marriage.

Ang petisyon ay inihain ni Atty. Jesus Nicardo Falcis III laban sa Civil Registrar-General. Intervenor sa kaso sina Atty. Fernando Perito, Reverend Cresencio Agbayani Jr., at ang LGBTS Christian Church Incorporated.

Itinakda ng SC ang oral arguments sa Hunyo 19, 2018.

Kasama sa mga isyung tatalakayin ay kung ang itinakdang limitasyon ng Estado na ang civil marriage ay dapat na sa pagitan lamang ng babae at lalaki ay maituturing na pagganap ng Estado sa police power nito, at ito ba ay hindi lumalabag sa equal protection clause ng Saligang Batas.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

At kung ang pagkakait sa same-sex couple na magpakasal ay maituturing na pagkakait sa kanilang right to life at right to liberty nang walang due process; kung ang pagpapakasal ba na nakabatay sa konsepto ng gender ng tao ay paglabag sa religious freedom at kung unconsitutional ba ang Articles 1 at 2 ng Family Code o Executive Order No. 209 na nagtatakda na ang pagpapakasal ay sa pagitan lamang ng isang lalaki at isang babae.

Iginigiit ni Falcis sa kanyang petisyon na ang pagpapasya ng mga indibidwal, homosexual o heterosexual man, ng taong nais nilang makaisang-dibdib ay isang pribadong bagay na hindi dapat sinagsakaan ng Estado.

-Beth Camia