BINUHAY ng Philippine Sports Commission (PSC), sa pangangasiwa ni Commissioner Charles Maxey, ang kamalayan sa mga katutubong laro sa isinagawang Indigenous Peoples Games nitong weekend sa Lake Sebu, South Cotabato. Ilan sa larong tunay na nagpapakita ng pagka- Pilipino ang Defut / Sfut (sumpi) at Hemanak (archery). Kabuuang 300 na mga miyembro ng iba’t ibang tribu sa lalawigan ang nakilahok sa IP Games.

Napapanahong buhayin ang mga laro ng katutubong Pinoy -- Maxey

KUNG may dapat buhayin at linangin bilang bahagi ng kulturang Pilipino ang mga katutubong laro na tunay namang naglalarawan ng pagiging isang malikhaing lahi ang Pinoy.

Tunay na kahanga-hanga ang mga katutubo na sumabak sa Indigenous People’s Games nitong weekend sa Lake Sebu sa South Cotabato.

Pinakamatandang 'Olympic champion,' pumanaw sa edad na 103

“Kung akala natin ay nalimot na ang mga katutubong laro, hindi. Napatunayan naming buhya-buhay ito sa kultura ng mga katutubo at ngayon ay nais naming bigyan ng panibagong buhay,” pahayag ni PSC Commissioner Charles Maxey.

“Yung nais ni Presidente Duterte na palakasin ang grassroots sports program sa kanayunan at mga lalawigan, tunay na kailangan talagan iangat ang kamalayan sa Indigenous Peoples Games,” aniya.

Umabot sa 300 mga miyembro ng iba;t ibang tribu sa lalawigan ang nakiisa at nakilahok sa programa na suportado ng Local na Pamahalaan, Department of Education at IP community.

Ginanap ang unang leg ng torneo sa Tagum City, Davao del Norte sa nakalipas na buwan.

“We’re still preparing for the coming IP Games in Ifugao, Banaw, Nueva Ecija and even in Palawan. Right now, nasa consultative stage pa. But rest assured tuloy-tuloy pa ang programa natin,” pahayag ni Maxey.

Sa panahon na ang bawat galaw ay nakabatay sa electronic gadgets at socia media, nakatutuwang isipin, ayon kay Maxey na nananatiling payak ang pamumuhay ng mga katutubo at isang tunay na yaman na kanilang ipinagmamalaki ang laro na ginagawa ng kanilang mga ninuo bago pa man ang hindi mabilang na pananakop ng mga dayuhan sa bansa.

“Yung laro nila sa defut (pana), nakakabilib dahil sa gamit nilang materyal nakakaya nilang tumarget ng tama,” pahayag ni Maxey.