UNA ay singsing. Ngayon naman ay bagong apartment?

Pete at Ariana copy

Ayon sa ulat ng Entertainment Tonight, nagbigay ng hint si Ariana Grande tungkol sa “new apartment” nila ng fiancé niyang si Pete Davidson nitong Sabado, sa pamamagitan ng isang silly picture na naka-post sa kanyang Instagram story.

“Us in our new apartment with no furniture 1 speaker and red vines,” biro ng 24-anyos na singer sa funny photo ng Spongebob Squarepants cartoon.

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

Mukhang ang tinutukoy ng No Tears Left to Cry singer ay ang Saturday Night Live star, na nag-propose sa kanya nitong nakaraang linggo, with a massive diamond ring, ilang araw makaraan nilang gawing opisyal ang kanilang relasyon sa Instagram.

Umiinit ang usap-usapan tungkol sa relasyon ni Pete kay Ariana nitong mga nakaraang linggo, lalo na nang mamataan ang comedian kasama ang kanyang girlfriend-turned-fiancee sa kanyang bahay sa New York City. Una nang sinabi ng source sa ET na nakilala na ng pop star ang ina ni Pete.

“Pete introduced Ariana to his mother at Zuma in New York during one of the SNL after-parties,” ayon sa source. “Ariana spent the majority of the night hanging out with her [Amy Waters Davidson]. Pete was circulating the room with the cast but Ariana was super comfortable being with [Amy].”

Unang na-link ang pares nitong nakaraang buwan, kasunod ng kanilang pakikipaghiwalay sa dating mga karelasyon – si Pete kay Cazzie David at si Ariana sa rapper na si Mac Miller. Nagsimula namang kumalat ang mga usap-usapan nang mamataang magkasama sina Ariana at Pete sa Saturday Night Live after-party.