Team Makati, handa sa pakikibaka sa MPBL

Ni Edwin Rollon

BAGITONG koponan, ngunit beterano sa laban.

Binubuo ng mga tunay na ‘homegrown talent’, sasabak ang Makati Skyscrapers, target ang pagiging Numero Uno sa sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Anta Datu Cup.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“Because we’re representing Makati, we want to be number one and win a championship. We’ll take it one game at a time but our main goal is the championship,” pahayag ni coach Cholo Villanueva sa team presentation Biyernes ng gabi sa Pavilion ng Dasmarinas Village sa Makati City.

“That’s why we joined the MPBL is to win the championship,” aniya.

Tunay na may pinaghuhugutang karanasan si Villanueva.

Maituturing beterano sa collegiate at pro ranks si Villanueva bilang assistant coach sa mahabang panahon ni Franz Pumaren sa La Salle sa UAAP at sa PBA.

Inamin ni Villanueva na kulang sa ‘ceiling’ ang Makati, sa kabila ng kanilang monicker na ‘Skyscrapers’.

“Sayang hindi na availabe si Marlowe (Aquino),” pabirong pahayg ni Villanueva.

“But this this is not a patsy bunch of players. We build out team as a defensive team and an run-and-gun type of team,” aniya.

Iginiit naman nina team owner Paolo Orbeta at Paolo Pineda na binuo nila ang team sa pundasyon nang pagkakaiibigan na may pagkakaisa at walang iwanan sa laban.

“As a undradted player (PBA), alam ko yung damdamin na gunsto mong makalaro pero wala ka namang avenue para maipakita yung talent mo. Ito yung motivation na ginamit ko para magbuo ng team. To ispiered young team and give them opportunity to show their talents,” pahayag ni Orbeta.

Iginiit naman ni team manager Martin Arenas na sapat ang suporta ng Local Government Unit (LGU) at ilang private sponsors para masustinahan ang pangangailangan ng Makato Skyscrapers na pamumunuan ng beteranong sina Mark Isip at Rudy Lingganay, habang nakasandig ang koponan sa playermaking ng sweet shooting na si Philip Paniamogan.

“Actually, Mayor Aby Binay is supposed to be here to congratulate the team, pero nagkaroon ng problema sa oras as she attend to some pressing matters,” pahayag ni Arenas.

Kumpiyansa si Orbeta na sa kabila ng maiksing paghahanda -- isang buwan at dalawang linggo -- palaban ang Makati sa debut game laban sa Basilan sa Martes.

“Our preparation is about six weeks. Our team is young so yun ang advantage namin, yung quickness, yung youth. We want to be a run and gun team so very important ang conditioning,” ayon kay Orbeta.

Sinusugan ito ni Isip na bilib sa character ng mga batang kasangga.

“We would use the full length of the court. Marami kaming press, marami kaming defensive scheme,” pahayag ni Isip.

“Di lang opensa ang exciting, yung defensive side ng basketball, nag-focus din kami dun,” aniya.