Nangangamba pa rin ang isang 55-anyos na lalaki sa kanyang kaligtasan matapos dukutin ng anim na lalaking sakay sa isang van, ngunit pinakawalan din sa Valenzuela City, nitong Huwebes ng umaga.

Ayon kay Eduardo Navarro, ng Francisco Compound, Barangay Gen. T. De Leon ng nasabing lungsod, naglalakad siya sa tapat ng Gen. T. De Leon Elementary School nang huminto ang isang puting van, dakong 10:45 ng umaga.

Anim na lalaki, aniya, ang sakay sa van at apat sa mga ito ang bumaba at pilit siyang isinakay sa nasabing sasakyan.

Tumakbo umano siya, ngunit hinabol at naabutan sa kanto ng L. Bernardino Street, Bgy. Gen. T. De Leon at tuluyang isinakay sa van.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“Nagpaikut-ikot lang kami sa sasakyan at may itinanong sa akin. Grabe talaga ang nerbiyos ko. Tapos tinanong ako kung saan ako nakatira at inihatid ako sa tapat ng bahay namin at kinunan ako ng litrato bago sila tumakas,” ani Navarro.

Agad nagtungo ang biktima sa barangay hall at hiniling na masilip ang kuha ng closed-circuit television (CCTV) camera sa lugar.

Ayon kay Dela Cruz, posibleng mistaken identity o may kamukhang wanted si Navarro.

-Orly L. Barcala