NAHULAAN kaagad ng netizens kung sino ang “bagong kasali sa paghahanap sa The Cure”sa ipinalabas na teaser ng epidemic-serye. Alam kaagad nilang si Kylie Padilla ang bagong dagdag sa cast, sa tindig at lakad pa lang.

Kylie Padilla The Cure

Pero hati ang tuwa ng netizens sa pagbabalik na iyon ni Kylie, na nahulaan nila dahil sa post ng aktres sa kanyang Instagram wall, na may caption siyang #abangan, at sa likod niya ay may umuusok. Ang iba, ang hula ay magkakaroon ng part 2 ang Encantadia.

Nag-comment si @divamontelaba, na kasama sa serye, ng “yyaassss!”Samantalang “Welcome back Ky” naman ang komento ni Ruru Madrid.

Tsika at Intriga

11 na buwan sa kulungan: Ricardo Cepeda, pansamantalang nakalaya

Bumaha rin ng iba pang comments:

“Mas lalong sobrang nakaka-excite na ang The Cure, magkakasama na sina Lira @mercadojenny at Reyna Amihan @kylienicolepadilla sa mundo ng mga tao.”

“Ibalik na ang KyRu (Kylie and Ruru), isama na rin si Ruru sa The Cure.”

“Wow dyan cia bagay sa mga action mas magaling pa siya kaysa kay Aljur pag action.”

“Full pack na ang The Cure, may Jennylyn na may LJ pa at may Kylie Padilla pa, san pa kayo?”

“Mukhang maangas ang dating nito. idol @robinpadilla girl version. Gudluck!”

Nang i-open naman namin ang Instagram (@direkmark) ni Direk Mark Reyes, most of the comments ay nagre-request sa kanya na ibalik ang Encantadia. Request din ng netizens na ibalik ang tambalan nina Kylie at Ruru, na nagustuhan nila noon sa telefantasya.

Comment naman ni @calypsiu: “The best ka direk! Ang ganda ng twist! Bet namin ang Charity (Jennylyn) at Darius (Mark Herras), may kilig.”

Ang dami na tuloy request ngayon na sana raw ay i-guest din si Dennis Trillo sa The Cure at magkaroon sila ng eksena ni Charity, o ang girlfriend niyang si Jennylyn Mercado.

Malapit na ngang mag-appear si Kylie sa The Cure bilang isang Special Forces agent, dahil sa takbo ng story ay nauubos na ang mga sundalo na lumalaban, dahil padami nang padami ang mga infected mula sa iba’t ibang lugar.

May teaser na rin kasi kung sino ang susunod to be infected, at ipinakita ang ibang characters, kasama na sina Charity, Greg (Tom Rodriguez), Dr. Lazaro (Jaclyn Jose), Katrina (LJ Reyes), Fernan (Jay Manalo), Anna (Arra San Agustin), at Josh (Ken Chan).

-NORA V. CALDERON