Iginiit ni Sen. Bam Aquino na dapat silipin ng pamahalaan ang mga alegasyon laban kay National Food Authority administrator Jason Aquino na dahilan ng pag-angkat ng bansa ng libu-libong metriko tonelada ng bigas at nagdulot ng pagtaas sa presyo nito.

”Ano na ba ang nangyari sa mga alegasyon laban sa pamunuan ng NFA? Ngayong may dumating na bigas, baka maulit lang ang nangyari at maubos na naman agad ang buffer stock sa kamay ng mga traders,” ani Bam.

Magugunitang inamin ni Jason Aquino sa Senado na bigo ang ahensiya na tuparin ang 15-day buffer stock mula pa noong 2017 kayat tumaas ang presyo ng commercial rice.

-Leonel M. Abasola
Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter