GINAPI ng La Salle Greenhills Greenies at Adamson Baby Falcons ang mga karibal para manatiling nasa unahan ng junior division standings sa 24th Fr. Martin Cup summer tournament sa St. Placid gymnasium sa San Beda University-Manila campus sa Mendiola.

Kumubra sina Ladis Lepalam at John Natividad ng 12 aat 11 puntos, ayon sa pagkakasunod para pataubin ng Greenies ang Paco Citizens Aademy Foundation, 88-64, para sa ikatlong sunod na panalo sa torneo na suportado ng Cocolife.

Nagsalansan si Andray Doria ng 19 puntos sa panalo ng Baby Falcons, 80-79, kontra defending champion San Sebastian College Staglets. Nagambag ang kapatid niyang si Adam Doria ng 11 puntos para sa unang panalop sa dalawang laro ng Baby Falcons.

Sa women’s action, nanguna si Grace Irebu sa naiskor na 27 puntos sa University of Santo Tomas Tigresses kontra Enderun College, 70-63.Nakamit ng Tigresses ang ikalawang panalo sa apat na laro, habang nadungisan ang Enderun matapos ang 3-0 panimula.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Sa iba pang junior games, nagwagi ang St. Patrick School sa San Beda-Rizal B, 102-43, habang dinaig ng First City Providential School ang Hope Christian School, 108-97.