BEIJING (Reuters) – Nagsagawa ang Chinese navy ng drills sa South China Sea para sa paglaban sa aerial attack, sinabi ng state media kahapon, sa gitna ng pagsasagutan ng China at ang United States kaugnay sa umiigting na tensiyon sa pinagtatalunang karagatan.

Nagpahayag si U.S. Secretary of State Mike Pompeo ng pagkabahala sa kanyang pagbisita sa Beijing nitong Huwebes kaugnay sa pag-aarmas ng China sa karagatan.

Ang kanyang pahayag ay kasunod ng mga aktibidad ng U.S. sa rehiyon , kabilang na ang mga ulat nitong nakaraang linggo na lumipad ang U.S. Air Force B-52 bombers malapit sa mga pinagtatalunang isla na ikinagalit ng China.

Nagsagawa ang Chinese navy ng simulated missile attack sa hindi tinukoy na lugar sa South China Sea gamit ang tatlong target drones na lumipad sa ibabaw ng isang ship formation, sinabi ng opisyal na pahayagan ng army.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture

Ang drill ay bahagi ng mga pagsisikap ng isang hindi tinukoy na training base para maghanda sa real-life combat laban sa aerial targets matapos sabihin ng liderato ng China na nabigo ang ilang pagsasanay na epektibong ihanda ang mga tropa, ayon sa pahayagan.