Naging ganap ang kalayaan ng Pilipinas nang maging pangulo si ex-Davao City Mayor Rodrigo “Digong” Duterte dahil sa independent foreign policy nito, sinabi ni House Speaker Pantaleon Alvarez.

Sa kanyang pagtatalumpati sa pagdiriwang ng ika-120 Araw ng Kalayaan sa sa Tagum, Davao del Norte, nitong Martes, sinabi ni Alvarez na simula noong Hulyo 4, 1946 nang pagkalooban ng kalayaan ng United States ang mga Pilipino hanggang sa nakaraang administrasyon, ang Pilipinas ay kontrolado pa rin ng America.

“Were we truly independent? No,” ani Alvarez.

Idiniin niya na para maging tunay na malaya ang Pilipinas, hindi ito dapat na nasa ilalim ng kontrol ng alinmang bansa.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“Previously America was our only friend. When Pres. Duterte came into power he became friends with everyone. He befriended China, he befriended Russia, he befriended Korea, he befriended other nations in the world,” badya ni Alvarez.

-Bert De Guzman