MAY nais patunayan si Edward ‘The Ferocious’ Kelly kaya’t asahan ang isa pang kahanga-hangang kampanya sa kanyang pagsabak sa ONE Championship ngayong taon.

KELLY: Markado sa ONE FC featherweight class

KELLY: Markado sa ONE FC featherweight class

Kabilang sa undercard ng ONE: Pinnacle of Power sa Hunyo 23 ang pakikipagbuno ni Kelly laban kay dating ONE Featherweight World Champion Narantungalag “Tungaa” Jadambaa sa Studio City Event Center sa Macau.

Napahanga ng 34-anyos na pambato ng Baguio City ang MMA fans sa naitalang 21-second knockout win kay Meas Meul ng Cambodia nitong unang linggo ng Enero.

Kauna-unahang Olympics gold medal, ipinasusubasta sa nasa halagang <b>₱31M</b>

Simbilis ng kidlat ang kilos ni Kelly at singlakas ng kalabaw ang kanyang three-punch combination para mapaluhod si Meul sa isa sa pinakamabilis na resulta sa kasaysayang ng nangungunang MMA promotion sa Asya.

Tangan ni Kelly ang marka sa pinakamabilis na panalo sa ONE Championship’s featherweight division.

“I am a martial artist who always looks for the finish. As much as possible, I want to give the fans what they want. They came and bought a ticket for an action-packed bout with an amazing conclusion,” pahayag ni Kelly.

“In my upcoming bout, my fans should expect that I will have the same mentality. I will look for that finish,” aniya.

Sa kabila nito, nananatiling mababa ang loob at nakatapak sa lupa ang mga paa ni Kelly.

“The record does not mean much. Whether it is 21 seconds or the full three rounds, what matters is that I prepared myself to be the best,” aniya. “I think I just did my part to show the world what I am capable of inside the cage. The win was great, but now it is back to training, and getting better for the next bout.”

Unti-unting umaangat si Kelly featherweight ranks, ngunit para patunayan ang kahandaan, kailangan niyang magapi si adambaa at ONE: PINNACLE OF POWER.

“I am at a great spot in my career, and I am extremely excited to be facing Jadambaa. I cannot wait to test my skills against a former world champion and a respected veteran in mixed martial arts,” sambit ni Kelly.