Mga Laro Ngayon

(Filoil Flying V Center)

1:00 n.h. -- Air Force vs Army (men’s)

4:00 n.h. -- PetroGazz vs Tacloban (women’s)

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

6:00 n.g. -- Iriga-Navy vs Pocari-Air Force (women’s)

TATANGKAIN ng defending champion Pocari-Air Force na sakyan ang tangan na momentum sa pakikipagtuos sa Irifa-Navy ngayon sa quarterfinal round ng Premier Volleyball League (PVL) Season 2 Reinforced Conference sa Fil-Oil Flying V Center sa San Juan City.

Galing ang Pocari sa four-set na panalo kontra PetroGazz sa nakalipas na weekend.

Pinataob ng Lady Warriors ang Angels, 18-25, 25-20, 26-24, 25-21, upang sumalo sa pamumuno sa mga naunang nagwaging BaliPure Water Defenders at BanKo Perlas Spikers sa ’single round quarters kung saan ang top two teams ay uusad sa semis kasama ng mga outright qualifiers Creamline at PayMaya.

Inaasahang muling magsasanib puwersa sina imports Arielle Love at Madeline Palmer at dating MVP Myla Pablo upang pamunuan ang Lady Warriors sa pagsabak nila kontra Lady Oragons sa huling laro ngayong 6:00 ng gabi.

Mauuna rito, unahan namang makapagtala ng panalo sa quarterfinal round ang Angels at Tacloban Fighting Warays ganap na 4:00 ng hapon.

Sisikapin ng Iriga-Navy na makabawi sa natamong kabiguan nitong Sabado sa BaliPure , 17-25, 25-18, 25-20, 24-16, 18-16 sa pamumuno nina imports Macy Ubben at Lauren Whyte.

Target namang bumangon ng Fighting Warays sa nalasap na pagkabigo sa kamay ng Banko Perlas sa simula ng quarters.

Samantala sa men’s division, magtutuos ang Air Force at Army ganap na 1:00 ng hapon.

-Marivic Awitan