BOSTON (AP) — Tumangging magbigay ng tuwirang pahayag ni Kyrie Irving hingil sa posibilidad na ‘reunion’ sa dating Cleveland Cavaliers teammate na si LeBron James sa susunod na season sa Boston.

Hawak ng 33-anyos at four-time MVP ang ‘player option’ para manatili sa Cleveland, ngunit may karapatan din siyang sumabak sa free agency at isa ang Boston sa mga koponan na lumulutang na sunod na distinasyon ng tinaguriang ‘The King’.

“In this business, I’ve kind of experienced it all and I’ve seen a lot, so we’ll see what management decides,” pahayag ni Irving, ngunit hindi nito tahasang sinagot ang tanong kung ayos sa kanya na muling makasama sa isang koponan si James.

Kinuha ng Cavaliers si Irving bilang No.1 pick sa 2011 Draft at nakasama si James sa tatlong season, kabilang ang matagumpay na 2016 championship.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“Obviously, it’s a business at the end of the day,” aniya. “Ownership and management, they’re going to feel what’s best for our future and I’m fully supportive of (them). We’ll see what happens.”

Na-itrade si Irving sa Boston kapalit ni *Isiah Thomas sa nakalipas na season tangan ang averaged 24.4 puntos, 5.1 assists sa 60 laro bilang Celtics.

Ngunit, hindi nakalaro ang five-time All-Star sa huling 15 laro ng regular season gayundin sa kabuuan ng playoffs matapos sumailalim sa operasyon ang kaliwang tuhod.

“To kind of have something like that unexpected, it was hurtful, because just a lot of what I wanted to,” sambit ni Irving.

Ginapi ng Cleveland ang Boston, 87-79, sa Game 7 oara sa ikawalong sunod na Finals ni James. Ngunit, winalis sila ng Golden State Warriors sa Finals.