NABUKING na “Bernadette”pala ang tawag ni Quezon City Mayor Herbert Bautista kay Kris Aquino, makaraang ipakita ni Kris sa Facebook/Instagram live ang smart phone niya para ipasilip ang goodnight message sa kanya ng alkalde.

Mayor Herbert at Kris

Mabilis ang pag-close up ng camera sa phone ni Kris. Kami nga, “Bernadette” lang ang nabasa.

Mahaba ang message ni Mayor Herbert dahil nakitang puno ang screen, pero ang goodnight lang ang binanggit ni Kris. Naloka siguro si Mayor Herbert at kinabahan na baka buong message niya ay mabasa ng publiko.

Tsika at Intriga

Julia Montes banas sa tinulungan noon, sinisiraan na siya ngayon

Nag-live sa FB at IG si Kris para i-announce ang two winners ng yellow Saint Laurent bag at Speedy Louise Vuitton bag. Umabot sa 155,000 ang entries na natanggap ni Kris and finally, ang entry ni Aileen Lopez Tolentino ang kanyang napili. Ibibigay ni Aileen sa inang may sakit ang bag.

Para sa LV bag, ang napiling winner ay si Jerson delos Reyes, na ibibigay naman ang nasabing designer bag sa kanyang misis para sa third wedding anniversary nila sa June 20.

Dedicated sa mom niyang si Cory Aquino ang pamimigay ni Kris ng bag. Sa Father’s Day sa Sunday, June 17, may ihahayag ang Queen of All Media na bagong treat para sa followers at supporters niya, at dedicated naman sa dad niyang si dating Senator Ninoy Aquino.

-Nitz Miralles