MULING itataya ni Filipino boxer Carlo Magali ang kanyang OPBF super featherweight title sa walang talong Hapones na si Hironori Mishiro Sa Hunyo 20 sa Differ Ariake, Japan.
Ito ang ikalawang depensa ni Magali ng kanyang korona makaraang patulugin ang pamosong Hapones na si world rated Masatoshi Kotani sa 10th round noong nakaraang Enero 13 sa Korakuen Hall sa Tokyo, Japan.
Nakuha ni Magali ang interim OPBF junir lightweight title sa pagpapatulo sa 1stround sa walang talong si Sandeep Balhala ng India noong Hulyo 9, 2017 sa Kuala Lumpur, Malaysia kaya hawak na niya ang full OPBF title nang magdepensa kay Kotani.
Nagmamadali ang mga manedyer ni Mishiro na maagaw ang OPBF title ni Magali para makapasok sa world rankings kaya ikakasa nila ito sa Pinoy boxer kahit may 5 panalo pa lamang, 2 sa knockouts.
Hindi inisip ng mga promoter ni Mishiro na delikadong kalaban si Magali na tinalo via 12th round TKO si David Browne Jr, sa Ingleburn. Queensland, Australia noong Setyembre 11, 2015 para matamo ang IBF Pan Pacific super featherweight title.
Namatay si Browne nang maospital at hindi na nagising mula sa pagiging comatose isang araw pagkaraan ng laban kay Magali na tinalo lamang ng mga world class boxer at lumalaban kahit saang lupalop ng mundo.
Ikaapat na laban na laban na ito ni Magali sa Japan makaraang magkasunod na patulugin sa 1st round si Ryuta Miyagi na sinundan ng pagpapautlog kay Ryo Foeki sa 6th round kapwa noong 2009.
May rekord si Magali na 23-9-3 at umaasang papasok sa world rankings kung magwawagi kay Mishiro.
-Gilbert Espeña