PARIS (AFP) – Pinalalakas ng France ang presensiyang militar nito sa Indo-Pacific region, nagpapadala ng warships sa South China Sea at nagbabalak ng air exercises para tumulong sa pagkontra sa military build-up ng China sa mga pinagtatalunang karagatan.

Nitong huling bahagi ng Mayo, naglayag ang French assault ship na Dixmude at isang frigate sa pinagtatalunang Spratly Islands at sa paligid ng mga grupo ng bahura na ginawang mga artipisyal na isla ng China para itulak pabalik ang pag-aangkin ng Beijing sa halos kabuuan ng South China Sea na sagana sa likas na yaman.

Sa Agosto, magsasagawa ang airforce ng pinakamalaki nitong exercises sa timog silangang Asia bilang bahagi ng istratehiya para markahan ang presensiya ng France sa rehiyon na tahanan ng 1.5 milyong French citizens sa overseas territories ng bansa.

Tatlong Rafale fighter jets, isang A400M troop transporter at isang C135 refuelling tanker ang lilipad mula Australia patungong India, at may ilang paghinto sa daraanan.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Mangyayari ang sea and air operations kasunod ng pagbisita ni President Emmanuel Macron nitong nakaraang buwan sa Australia, at nagsalita tungkol sa pangangailangan na protektahan ang Indo-Pacific region mula sa ‘’hegemony’’ – na isang pahaging sa lumalakas na puwersa ng Beijing.