Nangangailangan ng 500 Pinoy nurses ang Germany ngayong taon, inihayag ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA).
Sinabi ni POEA Administrator Bernard Olalia na ang mga interesado, maaaring mag-applay sa POEA website o sa accredited private recruitment agencies.
Ang nurse na hindi pa pumasa sa licensure exam ng Germany ay may panimulang suweldo na 1,900 euros o P118,266. Kapag naging licensed nurse na sa Germany, ang panimulang sahod ay 2,300 euros o P143,165.
Sa ngayon mayroong 480 Pinoy nars ang nagtatrabaho sa Germany.
-Mina Navarro