SA ikalawang sunod na pagkakataon, muling magtatangka ang tubong Negros Occidental na si Toto Landero sa kampeonatong pandaigdig sa paghamon kay International Boxing Organization (IBO) minimumweight champion Simphiwe Khonco sa Hunyo 22 sa Emperor’s Palace, Kempton Park, South Africa.

Ikalawang tyansa ito ni Landero na maging world champion matapos matalo sa kanyang huling laban sa puntos kay WBA minimumweight titlist Thammanoon Niyomtrong noong nakaraang Marso 6 sa Chonburi, Thailand.

Ngunit, ikalawang sunod na depensa rin ito ni Khonco sa isang Pilipino matapos talunin sa 12-round unanimous decision si challenger Lito Dante noong Hunyo 10, 2017 sa Emperor’s Palace rin.

May rekord si Khonco na 18 panalo, 5 talo na may 7 pagwawagi lamang sa knockouts at ito ang ikatlong depensa niya ng IBO title mula nang makuha ito sa kababayang si Siyabongo Siyo.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

May kartada naman si Landero na 10-2-2 na may 2 pagwawagi lamang sa knockouts ngunit maganda ang ipinakita niya nang hamunin si Niyomtrong sa Thailand.

-Gilbert Espeña