Naglabas ng health warning ang Food and Drugs Administration (FDA) laban sa isang food supplement na mula sa placenta o inunan ng usa, na sumisikat ngayon sa Internet, matapos matuklasan na mayroon itong hindi aprubado at “misleading” na patalastas at promosyon.

Sa Advisory No. 2018-192, sinabi ng FDA na ang mga patalastas ng Purtier Deer Placenta Plus Food Supplement “were not duly approved by the FDA. Food products including food supplements should not bear any misleading, deceptive, and false claims in their labels and/or any promotional materials that will provide erroneous impression on products’ character or identity.”

Ang abiso ay inilabas ng FDA matapos na ma-monitor sa websites ang ilang advertisement at promosyon ng Purtier Placenta na nagsasabing nagbibigay ito ng “ultimate care” sa kalusugan at nakapagpapabata pa.

“Protect, repair, and renew your body! Reversing the Aging Process,” saad sa mga promosyon ng Purtier Placenta.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Kabilang umano sa mga sangkap ng naturang food supplement ay “deer placenta,” dendrobium, avocado oil, aloe vera, marine collagen, evening primrose oil, borage oil, xanthone, lycopene oil, at souslene.

“PURTIER Deer Placenta is a registered food supplement with NO APPROVED THERAPEUTIC CLAIMS. The FDA is reiterating that food supplements shall not, in any way, prevent and cure any disease conditions,” dagdag ng FDA.

Ang sinumang may mga katanungan o impormasyon na nais malaman, maaaring mag-email sa [email protected] o kaya ay sumangguni sa kanilang online reporting facility na eReport sa www. fda.gov.ph/ereport at [email protected]. ph. Maaari ring tumawag sa Center for Food Regulation and Research (CFRR) hotline na (02) 857-1900 na may lokal na 8112 o 8115.

-Mary Ann Santiago