Ipinagtanggol ni Police Regional Office-12 (PRO-12) chief Supt. Marcelo Morales ang kanyang mga tauhan sa pagpatay kina Municipal Councilor Ronnie Mamaclay at Poblacion Kagawad Frederick “Jojo” Orubia sa Kiamba, Sarangani Province, South Cotabato kamakalawa.

Ayon kay Morales, lehitimo ang operasyon ng mga tauhan ng PRO-12 laban kina Mamaclay at Orubia dahil may search warrant galing sa korte.

Sa ulat, nanlaban sina Mamaclay at Orubia at dumipensa lamang ang mga pulis na ikinamatay ng mga suspek.

Kaugnay nito, handa ang awtoridad sa anumang imbestigasyon.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

-Fer Taboy